Post Top Ad

Post Top Ad

Thursday, August 24, 2017

6:35 AM

WHO CUT OFF Z's ARM? (Theory)

THEORY TIME!


[WHO CUT OFF Z's ARM?]

First off, sino nga ba si Zephyr o si Z? 
Si Zephyr ay dating Marine Admiral na nagresign after mamatay ng kanyang pamilya dahil sa mga Pirata. Dahil ayaw nang WG na umalis sya sa Marines ay naging Marine Instructor sya at nagtrain ng mga Rookie marines. Ilan lang sa mga natrain nya ay sina Akainu, Aokiji, and Kizaru.
15 years after Roger's execution (Z was 65 years old), A PIRATE WITH A DEVIL FRUIT massacred his whole crew and cut off his arm. After 1 year, that Pirate became a Shichibukai.
Ngayong alam na natin na isang Shichibukai ang nang-massacre sa crew at pumutol sa kamay ni Zephyr, we will try to find out kung sino ang Shichibukai na ito.
-- THE SHICHIBUKAI SYSTEM --
Ang Shichibukai system ay naitatag 30 years ago prior to the current timeline. Ibig sabihin, bago pa man maexecute si Roger ay meron nang Shichibukai system. Ang Shichibukai o 7 warlords of the sea ay mga notorious na Pirata na nakipagalyansa sa World Government. Iisa-isahin natin ang mga Shichibukai para malaman natin kung may alibi ba sila sa pangyayari.
Reminder:
Naputol ang kamay ni Zephyr 9 years ago prior to the current timeline.
-- Katulad ng sinabi sa taas, ang Pirata na nang-massacre sa crew at pumutol sa arm ni Zephyr ay DEVIL FRUIT USER. kaya lahat ng Shichibukai na walang Devil Fruit ay tanggal na agad sa listahan ng mga pwedeng may gawa. Sila ay sina:
- Dracule Mihawk
- Jimbei
-- Sinabi din na naputol ang kamay ni Zephyr 9 years ago then after 1 year, ang Piratang ito ay naging Shichibukai. Ibig sabihin lahat ng bagong recruit na Shichibukai ay tanggal na agad sa listahan. Sila ay sina:
- Trafalgar D. Water Law
- Edward Weevil
- Blackbeard
- Buggy the Clown
-- Si Bartholomew Kuma ay "Dog of Government" kaya I highly doubt na sya ang may gawa.
-- Si Boa Hancock naman ay walang sharp weapon na kayang pumutol sa arm ni Zephyr and I doubt na kaya ni Hancock na makipagsabayan sa isang Admiral. Boa Hancock is 22 years old when this all happened.
-- Crocodile
- Kung titingnan natin yung scene sa baba kung kelan namatay ang crewmates at naputol ang kamay ni Z, wala man lang bakas ng "Sand" which is the Devil Fruit of Crocodile. And kung si Crocodile ang may gawa, dapat ginamit nya ang DF ability nya at sinuck ang water sa katawan ng bawat tao sa loob ng ship katulad ng ginawa nya kay Luffy back in Alabasta. Wala ding Sharp weapon si Crocodile na pangslash sa arm ni Z kaya I doubt na si Crocodile ang may gawa. Hindi din kaya ni Crocodile makipagsabayan sa isang former Admiral ng Marines.
-- Gecko Moria
- In the past, naglaban si Moria and Kaidou and Moria's crew was defeated and Moria just barely escaped. After 10 years, gumawa si Moria ng army na katulad ng kay Kaidou para kalabanin ulit si Kaidou.
- Kung titingnan natin ang scene sa baba, makikita natin na may "Shadow" pa si Zephyr and even yung mga nakahigang crewmates ni Zephyr ay may "Shadow" pa rin. Ibig sabihin, kung si Moria talaga ang pumutol sa kamay ni Zephyr, at nalaman naman na natin na naghahanda si Moria para kalabanin ulit si Kaidou, ang tamang choice of action ay kunin ang "Shadow" ng isang Marine Admiral dahil malaking dagdag ito sa fighting force ng crew nya. Pero bakit hindi nya ginawa? Isa lang ang sagot. Hindi talaga si Moria ang pumutol sa kamay ni Zephyr. I also doubt na kayang makipagsabayan ni Moria sa isang former Admiral kung kay Luffy pa lang natalo na sya.
Halos lahat na ng Shichibukai ay nabanggit na natin. Pero may isang Shichibukai pa tayong hindi nasasabi ...
-- DONQUIXOTE DOFLAMINGO --
Let's state some FACTS about Doffy:
- He is currently 41 years old.
- wielder of the String Devil Fruit.
- Celestial Dragon turn normal human.
- Present at Roger's execution (he is 17 years old that time)
- 31 years old nung sumali sya sa Shichibukai.
9 years ago naputol ang kamay ni Zephyr. That time, 31 years old si Doffy. After a year, sumali ng Shichibukai ang Piratang pumutol sa kamay ni Z. 32 years old noong sumali si Doffy sa Shichibukai. Coincidence? I think not.
Minassacre ang buong crew at pinutol ang arm ni Zephyr ng isang Pirata. Napakalakas naman ata ng Piratang ito na kaya nyang makipagsabayan sa isang Admiral. Sinong Shichibukai ang kayang tumapat sa isang Admiral? I think of 2 person, Mihawk and Doffy. Pero dahil hindi DF user si Mihawk, si Doffy na lang ang isang candidate na kayang tumapat sa isang Admiral. Also, we all know na ang String ni Doffy ay kayang pumutol ng mga objects, lalo na ng body parts. Kung iisip kayo ng Shichibukai na kayang mangmassacre ng isang buong Marine Ship, sino ang maiisip nyo? Si Doffy.
Sinabi din na kaya naging Shichibukai si Doffy ay dahil nangha-hijack sya ng mga ships na may mga Holy tribute, at bina-black mail ang mga ito para sa position. What if naatasan ang buong crew ni Zephyr na magbantay ng transport ng mga Holy tributes then Doffy hijack it and Doffy and Z battled and Z lost his arm?
5 years after Zephyr lost his arm, he got his Mechanical arm from a scientist in the Marines and hunt down Devil Fruit users with the Neo Marines.
What do you think guys? Do you agree that Doflamingo is the one who cut off Zephyr's arm?